Para sa ating Brown Bag diskusyunan:
Ano ang masasabi mo tungkol sa pagkaresolba ng kaguluhan sa Zamboanga?
Magbigay ng 3-5 pangungusap na kumento na taglay ang iyong kritikal na mga ideya tungkol sa isyu. Isa alang-alang ang mga konektadong isyu katulad ng pamumulitika ni Binay at ang alegasyon na panlinlang lamang ang Zomboanga sa isyu ni Napoles at PDAF.
5 puntos sa maayos na pangungusap.
5 puntos sa kritikal na ideya.
5 puntos sa kaalamang sa iba pang mga isyu.
Muñoz, Dwight Shaun N. IV-BSBA
TumugonBurahinSa aking pagsuri, mistulang agaw-pansin lamang ang isyu na ito ngunit may butil ng katotohanan. Marahil, naging balakid din itong kunos sa pagresolba ng isyu ng PDAF; malayo pa ang hahantungan kung may iba pang kritikal na prayoridad ang bansa. Nakikita ko lamang na katunayan dito ay ang kasawian dinulot nito; hindi lahat ng bala ay babala at panakot lamang. Nagtapos lang ito sa basehang ligtas na ang mga bihag, ngunit hindi pa tapos ang sigalot. Sa gayon din, direkta o hindi man, nagiging sagabal ito sa proseso ng paglutas sa isyu ng korapsyon.
This comment has been removed by the author.
TumugonBurahinArceo, Arth Joseph A.
TumugonBurahinSa aking personal na opinyon, mas agaw-pansin at mas mabigat ang isyu na nangyayaring bakbakan sa lungsod ng Zamboanga kung ikukumpara ito sa isyu ng PDAF at porkbarrel scam. Hindi na bago sa ating bansa ang isyu ng korapsyon sa lipunan ngunit kung ikukumpara ito sa mga nakaraang pagnanakaw na naganap, ito ang pinakamabigat. Hindi ko masasabing tinatakpan ng isyu ng korapsyon ang gulo sa Zamboanga dahil mas mas karumal-dumal at madugo ang nangyayari sa mga sundalo at sibilyan sa nasabing lungsod.
Monteloyola, Kevin V.
TumugonBurahinsa aking palagay, ang isyu na pagkakaresolba ng bakbakan sa zamboanga ay maaring pagtatakip nga sa PDAF scam lalo na't sa mga pulitikong nadawit rito. Ang pagsasagawa ng ganitong pagsasalakay ay kinakailangan ng kaukulang dami ng pera. Base sa mga impormasyon walang sapat na yaman ang grupo ni Misuari na magsagawa nito. Ang tanong ay kung sino ang tumulong at bakit tumulong? Isa lamang ang sagot ko, ang mga nangangailangan ng tulong ngayon na si Janet Napoles at ang ibang pulitikong nadadawit ngaun upang maiwas at mapatagal ang isyu tungkol sa PDAF scam. Dapat may tamang pagtahak ang gobyerno sa mga ganitong isyu, at timbangin mabuti ang isyu na dapat tugunan ng pansin.
Ang pagkakaresolba sa gulo sa Zamboanga ay nagpapakita lamang kung gaano kadesidido ang ating mga kawal na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan hindi lamang sa Zamboanga kundi sa buong bansa. Ayon sa aking pagsasaliksik, ito'y isa lamang sa mga paraan ng gobyerno partikular na ang mga senador na dawit sa PDAF Scam na pinangungunahan ni Senate President Juan Ponce Enrile. Isang alegasyon di umano na sya ang nagpopondo sa mga rebelde upang makapanggulo sa Zamboanga upang ilihis ang atensyon ng taumbayan kasama na ang media sa tunay na isyu na kinakaharap ng bansa. Ang pamumulitko ng Vice President Binay ay kitang kita sa pagpapel nito sa isyu sa Zamboanga kahit na alam naman ng lahat kung sini ang tunay na may kakayanan upang tapusin ang krisis sa Zamboanga. Kailanman, hindi dapat makipagnegosasyon ang Pilipinas sa mga rebelde, terorista at mga katulad nito.
TumugonBurahin