Sabado, Nobyembre 29, 2014

PaniPil Assignment

Ayon sa binasang

Understand the Filipino Through Meta-Mythology (Diamante, 2010)

Gumawa ng isang maikling kwento.
Hindi lalagpas sa 4 na.tauhan.
1-3 lamang na tagpuan (scenes)
Mas maikli mas mabuti.  Maaring magkasya sa isa 1-2 short bond (times new roman 12).

Ang maikling kwento na gagawin ay kwento ng kababalaghan o kwento ng katatakutan (magkaiba ang dalawa, pumili lang ng isa).

Ikaw ay pipili ng isang paksa o aral at ito ay maaring malaman ng bumabasa o nakikinig sa pamamagitan ng pagbasa o pakikinig sa iyong kwento.

Kinakailangan ang kwento ay nakasalaysay ng malikhain (10 pts) at madetalye (10 pts).

Maaring gamitin ang Filipino o ingles sa pag kwento.

Babasahin ang kwento sa harap ng klase sa Disyembre 9, 2014.

12 komento:

  1. Franco, Camille G.

    Darling.. I’m your Nightmare dressed like a Daydream

    I’m Monique, I’m every man’s fantasy, I’m 5 foot 8 tall with long brown hair, mouth is full and lush, lips that are begging to ravish. My eyes are large and round and dark. And I have a perfectly toned curve. I love to rip any man’s heart, literally, and drink blood. Why? Because three years ago, I sold myself to a devil just to make me more beautiful and there was a catch, I need to take a man’s heart or else I would get old and die. Yes, I was selfish and too obsessed with my beauty.

    Let me tell you a story of Ryan, he was the fifth man that I liked. It was late afternoon on the 22nd of September in 2011, we met at a Starbucks. He was so hot in that jeans and Abercrombie shirt, he was tall with a muscular body, olive complexion, dark hair and hazel eyes. However, the second he talked to me, I was hooked. With the sexiest voice ever he said “Hello, Is this seat taken?” and I said no. After that we chatted and shared a wonderful night, you know what I mean. We exchanged numbers and he promised that he will call me. Oh I missed him already.

    A week later, I was waiting for Ryan to call me, but he never did. I was upset and hungry for him. My skin began to pale and wrinkled. Oh no! I looked like an eighty five year old lady. I needed a man’s heart.

    I was about to enter at Starbucks when I saw him, talking with some girl and he was leaning on. Oh my gosh! who is she? And that’s not all, she was so gorgeous! But I’m more gorgeous than her. So when they stood up, I followed them to the parking lot and saw them kissing. I was furious and I get drunk on jealousy, but I still liked and missed him.

    Anyway, after the parted ways, I was right behind Ryan on the road. As he suddenly sped up, maybe he was trying to avoid me, no he wasn’t. I really don’t understand men. Then, he slowed down, parked in his driveway and dashed on his door. Quickly, I parked right behind his and stepped down from my car and went ahead and knocked on his door. He opened the door and he looked surprise, but he invited me in. He asked me what I was doing in his house, geez rude much, but I still liked him. And I did what I needed to do, I kissed him and he kissed me back and suddenly, he pulled away and stepped away from me, then told me he has a girlfriend and what happened between us last week was a mistake, oh and also the kiss. He told me to leave and just forget about him. I was hurt, really? What a jerk. So I strode toward him, then bit his neck, drank his blood and my favorite ripped his chest open and eat his heart. What a relieved! and my skin began to go back its natural color. I looked down to Ryan with teary eyes and said “oh! I’m so sorry but I’m glad met you and you will always be a special part of me”. I kissed him one last time and leave; and went back to my apartment and wash myself, and I went to sleep.

    The next day, there was news on my television that Ryan’s parents found his body covered with blood. That was so sad, and I’m still missed him though, not just him, there were Jake, Evan, Chris and many more.

    So today, here I am at Starbucks, looking more gorgeous as ever, and enjoying my Latte when a deep smooth voice startled me asking “Hello, Is this seat taken?” hmm, I think I just found my man, who knows.

    TumugonBurahin
  2. Distajo, Phobieleen B.
    BSTM-4

    Naalala ko yung pinsan ko sa roxas, kuwento niya sa amin. One time daw naiwan lang siya mag-isa sa bahay nila, yung silong ng bahay nila ay dating bakante lang at ipinagawa ito ng tita ko kasi balak nila tumira sa roxas, mataas ang pagkakagawa ng bahay kaya ng magawa ang ibaba ng bahay eh mababa ang kisame, pag nasa 6 feet na ang tao nakayuko na siya... ganon kababa kaya malinaw mong maririnig ang mga pag-uusap mula sa sala hanggang sa mga kwarto nila sa itaas ng bahay nila.

    Nung nasa taas ang pinsan ko nag-iisa, at ang mga kapatid niya ay wala pa dahil nasa school at ang parents niya naman ay lumabas ng bahay. Tapos may narinig siyang nag-uusap sa baba, narinig daw niya si Tita perla (mama niya) sabi sa papa niya, magpahinga ka muna jan sa sofa at maghahanda lang ako ng hapunan... yun ang narinig niya tapos biglang tumahimik. Pagkatapos bumaba daw siya pero nagulat siya kasi walang tao sa baba ng bahay nila at wala sa kusina ang mama niya... wala din sa sofa ang papa niya. Sabi niya kanino kayang boses yung narinig ko? kaboses ni mama.. sabi ni Pj... so pasok daw ulit siya sa kuwarto niya... wala pang 15 minutes... may nagbukas daw ng pinto sa baba tapos bumaba naman siya para tingnan kung sinong dumating.. Ngayon narinig niya ang mama niya sabi sa papa niya, magpahinga ka na muna jan sa sofa at maghahanda lang ako ng hapunan... kinilabutan daw siya, kasi ganun na ganon daw yung eksenang narinig niya, ang kaibahan lang daw eh nakita at narinig niya mismo sa harapan niya...

    TumugonBurahin
  3. Nung ika-labing isa ng hulyo taong 2005 ako at aking kaibigan na si echeng ay masayang nglalaro sa flagpole ng PNR na sinasabing maraming kababalagahang nangyayare na hindi nakikita ng ordinaryong tao lamang . Kaming mgkaibigan ay hindi naniniwala sa mga kababalaghang kinukwento ng mga matatanda doon dahil ang alam namin ito ay panakot lamang sa mga batang maiingay.

    Nagsimula ang pangyayaring ito pagkatapos namen maglaro sa sinasabing flagpole na parang kami lang ang naglalaro sa lugar na yun at walang iniintinding ibang tao na pwedeng magambala dahil wala kaming paki elam.Sa sumunod na gabi habang akoy nglalakad mgisa meron nang nangyayare sakin na kakaiba na nagdala sakin ng matinding takot tulad ng pagtaas ng balahibo at pakiramdam na lumaki ang ulo , kaya dali dali akong umuwi sa bahay . Paguwi sa bahay isa pang hindi ko inaasahang pangyayare nung ako ay nasa loob ng banyo nang biglang may naririnig akong kakaiba na di ko maipaliwanag ang kanyang sinasabe na dumating sa punto na parang kaharap ko na sya pero hindi ko nakikita . Hindi ko magawang lumabas agad sa banyo dahil hindi ko maigalaw ang aking katawan na parang ako'y naninigas sa takot . Nakaraan ang ilang minuto ng ako ay nakalabas na at kinuwento ito sa aking ina . Hindi sya naniniwala sa aking sinasabe isa lang daw itong guni guni. Kinaumagahan ako ay papasok na sa eskwelahan narinig ko na naman ang boses na aking kinakatakutan . Hindi ko na ito pinansin dahil inisip ko ang sinabe ng aking ina na maaaring ito ay guniguni lamang .

    Pagkauwi ko galing eskwelahan kinwento ko ito ulit sa aking ina na may bumubulong na naman sken na hindi na maganda dhil ito ay nagdadala ng matinding takot sa akin .Nagdesisyon ang aking ina na ipa albularyo na ako dahil nga sa mga pangyayaring ito . Nagulat kme ng sabhin ng albularyo na may nagambala daw kami dahil sa aming kaingayan . At napaisip ako na kami nga ay maingay nung naglalaro kami ng aking kaibigan . Sinabe nya na isang lalake ang aming nagambala na waring nagkagusto din pala sakin . Kaya pinayuhan nya ako na magsindi ng kandila kapag sumapit na ang ala sais ng hapon at pinag alay din ako ng tabako . Pinayuhan din nya ako na wag na muna lumabas ng bahay ng ilang araw nang sa ganun maiwasan ang pagbalik ng lalaking ito .

    Simula nun ako na mismo ang nagsasabi sa aking kaibigan na dapat nakikinig tayo sa mga sinasabe ng mga matatanda at matuto tayong igalang ang mga bagay na di natin nakikita dahil kapag ito ay isinawalang bahala lamang maaaring ito ay magdulot ng mga pangyayaring hindi natin inaasahan .

    TumugonBurahin
  4. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  5. itong kwento na ito ay isang kababalaghan na nagyari sa aming dalawa ng kaibigan ko, nag simula to ng galing kami sa aming pinag ggyman at natapos kami ng maaga nag iisip kami kng ano ang ggwen namen kasi pareho kaming ayaw pang umuwi, nag tgal kme sa gym hanggat ito'y mag sara at ang oras ay 10:00pm na nag lakad lakad kme hanggat sa naisip naming puntahan na lang ang aming kaibigan ng nag lalakad lang.

    at sa aming pag lalakad naisipan ng kaibigan kong sa eskenita na lang kami dumaan at mas mapapabilis kme makarating sa aming paroroonan. sinabe ko sa aking kaibigan "ayokong dumaan jn ang dilim dilim jn anong oras na rin ma multo pa tayo jn e" at ang sagot nya saking sinabe "baliw walang ganun, tara na mas mabilis dto"

    habang nag nalalakad kami sa eskenita na ito ang ilaw lang nya ay sa umpisa ng eskinita at sa dulo nito, nag kwekwentuhan pa kme nung una at nag tatawanan hanggang sa naramdaman namin na malamig na hangin at tumahimik kme, kami ay nakikiramdam sa mangyayari hanggat sa may umungol na pusa at nung nasa gitna na kme ng eskenita bglang may parang nasa likuran namen na tao pero wala kaming naririnig na yapak, hndi kme makatingin sa likod takot na takot na ako nung mga oras na yon, at habang tumatagal lalo namin nararamdaman na mas lumalapit na ung nsa likod namin at dun na ko nag saita na "takbo na tayo" at bgla kaming tumakbo ng napaka bilis ng hndi tumitingin sa likuran hanggat sa may nakita kaming tao tinanong kami kng bket dw kme tumatakbo mag nanakaw dw ba kme sbe namen "hndi po nakakatakot lang po dun sa may eskenita na un" at ang sbe ng matanda na lalaki "ganyan tlaga jn sa eskenita na yan parang may nag paparamdam, ang dami ng nag ssbi ng ganyan jn e"

    simula noon hndi nko ulit dumaan dun sa eskinita na yon.

    TumugonBurahin
  6. Espiritu, John Matthew M.
    BSTM- 4

    ”Tambayan”
    Nangyari ito nung November 2010, nagkasundo-sundo an gaming pamilya na magbakasyon sa aming probinsya sa Pangasinan, nung kami ay papunta pa lamang, lahat kami ng aking mga pinsan ay sobrang eksayted sa pagpunta dun lalo na’t ang iba samin ay first time pa lamang na pupunta dun, ngunit nagbago ang lahat nang amin ng Makita an gaming bahay na tutuluyan na bahay pa dawn g ka lolo-lolohan naming, sobrang nakakapangilabot dahil parang century old na ang dating nung bahay at mas lalo kami kinilabutan ng marinig naming ang kwento na may isang binatilyo daw na nag trespass doon at nagpakamatay. Meron na agad kaming mga nararamdamang mga kakaibang bagay, hindi pa man lumilipas ang isang araw
    Kinabukasan, Ako, at ang aking mga pinsan na sina Ajok, Abbey, at dandan ay nakatambay sa bakuran ng bahay na aming tinutuluyan ng may isang matipunong binatilyo na nagyaya samin ng mga pinsan ko, “Tara tol, tambay tayo.” Sa kadahilanang lahat kami ay lalaki, sumama kami. Nang Makita naming ang sinasabi niyang tambayan ay bumili kami ng mga alak at kami nagkainuman at nagkasayahan, nang dahil sa impluwensiya ng alak, lahat ay nag iingay na, suka ditto, suka don, ihi ditto ihi don, dura ditto dura don, hanggang sa tuluyang mababoy na ang tambayan, at maguumaga na nung kami ay nagdesisyon ng umuwi.
    Kinabukasan ng magising si Dandan ay bigla siyang na curious kung anung itsura nung binatilyong nagpakamatay sa bahay at nung pinakita n gaming tiyahin ang litrato ang namutla at nangilabot si Dandan dahil ang binatilyo pala nay un ay ang binatilyong nagsama samin, at ang favorite niyang tambayan ay yung tambayang binaboy naming,m dali dali niya kaming ginsing, kinwento naming sa aming mga magulang ang mga nangyari at dali dali kaming umuwi ngunit sa gitna n gaming biyahe pauwi ay sinapian sa sasakyan sa ajok na siyang unang sumuka dun sa tambayan.
    Pgdating naman sa aming compound ay may mga kakaibang bukol na tumubo kay abbey, ay si dandan naman ay hindi makalakad na tila naputulan ng paa, at ang laking pasasalamat ko ay hindi ako dinamay ng binatilyo sa kanyang mga parusa ngunit nagpatuloy ang pagpapakita niya sa mga panaginip ko hanggang taong 2012, hanggang sa nagdesisyon kami na magpakunsulta na sa albularyo at magpa tawas, hanggang ngayon any naging tikom na an gaming mga labi sa kangilangilabot na pangyayari nay un sa aming probinsya.

    TumugonBurahin
  7. Mag Ingat, Nang Walang Magambala


    Sa isang Paaralan, may tatlong magkakaibigan na sina Lorna, Aida at Fe. Sila ay gumawa ng katatakutan sa isang CR kung saan ang isang pintuan ay nakasarado at hindi nabubuksan. Naglagay sila ng cctv camera upang masaksihan ang reaksyon ng mga mabibiktima nila.

    Si Marie ay pumasok sa CR upang maghugas ng kamay. Habang naghuhugas may nakita siyang buhok sa nakasaradong pintuan. Napasigaw siya habang ang tatlong magkakaibigan ay nagtatawanan habang pinapanuod siya sa cctv. Sa kabila ng takot, pinilit ni Marie na mabuksan ang pinto kahit na ito’y may mga kahoy na nakaharang. Nung nabuksan niya ito ay bigla siyang nawala sa sarili at tahimik na naglakad palabas. Nagtaka sila kung bakit parang nawala siya sa kanyang sarili. Biglang nasira ang cctv at nawalan ng kuryente. Nung pag uwi nila sa kanilang bahay, may nakita silang babaeng naka-damit pang kasal at ito’y galit.

    Kinabukasan, tinanong nila ang isa sa tagapaglinis ng paaralan. Kinuwento niya na mayroon isang babae na nagkagusto sa kanyang guro. Nagbibigay siya ng mga regalo at palagi niya itong sinusulatan. Kinausap siya ng guro at sinabing may pamilya na siya at hindi rin siya maaaring magkaroon ng relasyon sa kanyang estudyante. Kinabukasan ay sinulatan niya ulit ito at sinabing magkita sila sa labas ng paaralan ng 6:00 ng gabi. Nag suot siya ng pangkasal na damit ngunit hindi dumating ang kaniyang guro. Pumunta siya sa CR at nag laslas ito.

    Nang malaman nina Aida, Lorna at Fe na may nagambala silang kaluluwa ay agad naman silang humingi ng tulong sa kanilang mga guro at pinadasalan nila ito. Natahimik na ulit ang babae.

    TumugonBurahin
  8. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  9. Mapoy, Abigail T.
    BSTM-4

    Noong unang panahon may mga bayan nag kalat ang mga balitang tungkol sa mga kaluluwang ligaw. Isa ang bayan ng Rosario, Batangas sa nasabing bayan na pag tuwing sasapit na raw ang takdang gabi ay lahat ng mga taong nakatira doon ay isa-isang nag sisiuwian sa
    kani-kanilang mga tahanan dahil raw sa sabi-sabing may ligaw na kaluluwa na dumadalaw sa kanilang ibayo at ito raw ay hindi matahimik.

    Isa roon ang pamilya DELA CRUZ. Sabi nila pagtakda ng alas dose na ng hating gabi ay mayroong kumakatok sa kanilang pintuan ngunit pag bukas nila ay walang tao maliban sa hanging pagkalakas lakas. BIglang kinalibutan si EMERALD
    Emerald: "Mahal, mahal, tulong".
    at biglang dumating si MARCO (asawa ni Emerald)
    Marco: "Oh emerald ano yon...?"
    EMERAld: "Eh kasi,may kumatok,,subalit ng binuksan ko ay wala namang tao.."
    Marco: "Eh baka guni-guni mo lang yon, eh tsaka sino pa ang magtangkang kumatok sa ganitong oras e hating gabi na oh! Ahay, pagod lang yan mahal....mabuti pa matulog na tau...."

    Emerald: "Eh bakit ayaw mong maniwala..?mukha ko ba’y,nagsisinungaling..?"
    "hindi naman saganun....alam kong pagod kana, kaya mabuti pang matulog na tau”. tugon ni Marco. Habang natutulog ang mag asawa ay nakarinig sila ng isang tinig na pawang umiiyak at humihingi ng tulong pero hindi nalang nila ito pinansin..

    Kinaumagahan habang nagluluto si Emerald kasama ang kanyang kapatid na si Elsa ay mayroong umiiyak na kanyang narinig, ang sabi ng boses ay..."tulong,tulongan mo ako, aray ang sakit parang awa mo na tama na...!!!" Para bang boses iyon ng kanyang kaibigang namatay. Matapos ay dali-daling nag bihis si Emerald at Elsa pumunta sila sa bayan upang mamili habang sila ay naglalakad sa kalsada ay nakita nila na may pinagkakaguluhan ang mga tao sa kalsada. Lumapit sila at nakita nila ang isang babaing nakahandusay na nakatitig kay Emerald at nagsabi, "Ikaw! Kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito, hind mo ako tinulungan". Kinalibutan Si Emerald sa mga katagang sinabi ng babae ganon din ang pagkatakot at pagtataka ng kanyang kapatid na si Elsa, yun pala ay napasukan ng ispiritu ang babaeng nakahandusay sa kalsada.

    Nang makauwi na ang magkapatid na Emerald at Elsa hindi pa rin nila makalimutan ang sinabi ng babae. Naalala ni Emerald ang kanyang kaibigang namatay na si Jewel dahil sa masamang trahedya. Isang araw daw noon habang sabay silang naglalakad pauwi galing eskwela mayroong mga lalaking dumakip sa kanila at dinala sila sa liblib na lugar ngunit si Emerald ay nakatakas samantalang si Jewel ay nagahasa ng mga lalaki at ito ay namatay nang hindi niya natulungan. Naisip niya na kaya pala lahat ng mga nangyayari ay parang mayroong koneksyon sa trahedyang nangyari kay jewel. Mula noon ay pinuntahan na ni Emerald ang puntod ni Jewel at humingi ito ng kapatawaran. Inalayan na rin niya ito ng mga bulaklak. Mula rin noon ay hindi na bumalik ang boses na humihingi ng tulong na kanilang naririnig. Tuwing linggo ay dinadalaw na niya ang puntod ng kaibigang si Jewel at alam niya na napatawad na siya nito.

    TumugonBurahin
  10. Who got the last laugh?

    One morning, the daughter argues with her mom. Commanding her mom to leave her alone, insisting that she was already a young adult. The mom was deeply hurt and cried. The father arrived and sees his hurting wife, the father punished his daughter heavily through worst choice of words.
    The daughter finds it absurd, and runs back to her room. Anger-driven, the daughter wants to win over her parents with a stronger comeback. She tried to summon a demon by cursing God and cutting ties through mockery.
    The daughter successfully summoned, and ordered the demon to make her parents suffer so much in the coming days, that they will regret shouting her and will always be lost in every arguments whenever it concerns her. The demon agreed to do it and never asked in return. The daughter laughs thinking it was an easy deal with the devil.
    On that day, the daughter was waiting for the action to happen, until she falls asleep. The mother knocks on her door, inviting her to eat dinner with them. Followed by her father, asking her to talk and settle things. They forcefully opened the door, only to find their daughter dead.
    They both hugged the cold dead body of their daughter. They immediately regret everything that they’ve done that may lead to her death. On the coming days, there was an unbearable suffering as the parents overly think that it was their fault. The parents have lost interest in every argument that concerns their daughter. And the demon laughs.

    TumugonBurahin
  11. Ramos,Mary Joy T.
    BSTM-3

     

    Ang Paghihiganti ng Engkanto

      Bahagi na ng ating mitolohiya ang mga engkanto, sila raw ay naninirahan sa mga gubat, sa dagat at sa malalaking puno. May mabubuti at masasamang engkanto, kadalasan sa kanilang mga nabibiktima ay nagkakasakit ng walang lunas o hindi kaya’y namamatay.

                   Sina Elsa at Lando ay ang mag-asawang nakatira sa isang malayong lugar sa kabisayaan at may dalawang anak na sina Ashley at Christian. Sila ay isa sa mga nag mamay-ari ng malalaking lupain sa kanilang lugar na may mga pananim na palay at iba’t ibang gulay at prutas. Sa gitna ng kanilang lupain ay mayroong malaking puno ng mangga. Noong ipinagbubuntis pa lamang ni Elsa ang kanilang panganay na si Ashley ay madalas silang mamitas sa punong ito sapagkat ito ay hitik sa bunga. Sa paglipas ng panahon kanilang inalagaan ang punong iyon at walang sinuman sa kanila ang nagtangkang putulin ito sa kabila ng sabi-sabi na mayroon daw nakatirang engkanto sa punong ito. Pinaniniwalaan din ng mag-asawa na ang punong ito ang nagbibigay sa kanila ng swerte sapagkat palaging malakas ang kita ng kanilang mga pananim. Sila rin ay kilala bilang isang masayang pamilya at si Lando ay isang mabuting ama sa kanilang mga anak at mabuting asawa kay Elsa.

                  Isang araw pagkaluwas ni Lando papuntang Maynila upang mag-deliver ng kanilang mga pananim ay bigla na lamang nakaramdam ng kakaiba si Elsa sa puno at ng lingunin niya ito ay hindi inaasahang nakita niya ang isang lalaking nakaitim, na may mapupulang mata at masama ang tingin sa direksyon niya, hindi na lamang niya ito pinansin at kinalimutan ang pangyayaring iyon.

                   Nang mapansin ni Lando na hindi na namumunga ang puno ng mangga ay naisipan niyang putulin na lamang ito upang mataniman pa ang pinagtatayuan ng nasabing puno at hindi sumang-ayon sa kaniyang plano ang kanyang asawa. Ngunit sa kadahilanang hindi siya naniniwala sa mga kwento na may engkanto sa puno ipinagpatuloy niya pa rin ang planong pagputol rito, at dito na nagsimulang mag-iba ang takbo ng kanilang buhay. Humina ang kita ng kanilang pananim, si Lando na kilalang mabuting ama at asawa ay nagbago ng pag-uugali. Dito na niya nasimulang pagbuhatan ng kamay ang kaniyang asawa at mga anak. Nasundan pa ito ng isang hindi inaasahang pangyayari ng isang araw ay makita na lamang nilang walang buhay sa loob ng banyo ang kanilang panganay na anak. Si Christian naman ay nagkaroon ng malubhang sakit at ang kanilang negosyo ay tuluyan ng bumagsak. Sa paniniwala ni Elsa sa engkanto sa puno, inalayan niya ito ng patay na manok at nakiusap na sana ay itigil na niya ang pang-gugulo na idinudulot nito sa kanilang pamilya.

    TumugonBurahin